hinahabi natin ang nadarama

4 01 2009

Ars Poetika
Allan Popa


Sa isang teorya sa pisika
walang anumang dalawang bagay
na maaaring ganap na magtagpo.
Mapipilit silang paglapitin
ngunit di kailanman mapagdidikit.

Laging may espasyong
papagitan sa kanila, gaano man
kakitid. Tulad ng mga paa
ng anghel na hindi sumasayad
sa lupa. Kaya tayo dumadama:
tinutulay ang pagkakahiwalay
upang humanap ng karamay
sa ating walang-hanggang pag-iisa.

sumasalat tayo ng kahulugan:
hibla-hibla ng kawalan na sinusulid.
hinahabi natin ang nadarama.
Ang mga katahimikan at patlang
sa pagitan ng bagay-bagay.

* Mula sa multiply site ni soleil.


Actions

Information



Leave a comment

You can use these tags : <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>